SARA 2022 IBINASURA NI DIGONG

0

(CHRISTIAN DALE)

KINONTRA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ideya na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ang dahilan ng pangulo, kababuyan ang politiko sa bansa sabay bira sa kanyang long-time critic na si dating Senador Antonio Trillanes IV.

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang situation briefing hinggil sa epekto ng bagyong “Auring”, Martes ng gabi sa Tandag City, Surigao del Sur, nang bigla na lamang hikayatin ni Governor Alexander Pimentel ang pangulo na ang ipalit sa kanya ay si Mayor Duterte-Carpio o si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa oras na magtapos na ang kanyang termino.

“Inday Sara is not running. I have really, really put my foot down. Naaawa ako sa anak ko. Ang politiko dito, kababuyan. Trillanes. Pati yung anak kong 16 years old, ginawa pa doong drug lord. Be careful of Trillanes, be careful of Trillanes,” diing pahayag ng pangulo.

“Magbantay kayo, he will sell you to the devil; ‘pag yan nakaupo, patay. Ako, sabi ko sa mga Pilipino, ‘pag yan naging opisyal n’yo, di kayo… Walang hiya yan, sa totoo lang,” giit ng Chief Executive.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Gov. Pimentel na kailangan na mayroong “continuity” sa counter-insurgency campaign.

Sa ulat, nanindigan si Mayor Sara na hindi talaga siya tatakbo sa pagka-pangulo.

 

TERM EXTENSION
SA CHA CHA

Samantala, hindi maiiwasan ang political amendments sa Charter Change (Cha-Cha) na sinimulang pagdebatehan na sa mababang kapulungan ng Kongreso sa sandaling mag-convene ang Senado at Kamara bilang Constituent Assembly (Con-Ass).

Ito ang ikinatatakot ni Assistant Minority Leader Gabriel Bordado Jr., dahil magkaiba ang nais mangyari ng mga senador at congressmen sa Cha-Cha.

Sa lingguhang press conference ng minority bloc sa Kamara kahapon, sinabi ni Bordado na bagama’t pawang economic provisions ang isinusulong sa mababang kapulungan, nais naman umano ng ilang senador na isama ang ‘democratic provision” sa kanilang aamyendahan sa 1987 Constitution.

“While both Houses seek to introduce specific amendments, the House specified the economic provisions but the Senate is explicit in including democratic representations as among those to be amended,” ani Bordado.

“When we talk about democratic representation it becomes an open field for self-serving term extension of incumbent elected officials including ourself,” dagdag pa ng mambabatas.

Bukod dito, labag din umano sa Saligang Batas ang Economic Cha-Cha ng Kamara. Kailangan aniyang amyendahan muna ang isinasaad sa Saligang Batas na, “the state shall develop a reliant and independent national economy effectively controlled by Filipinos”.

Subalit ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, kailangang amyendahan na ang restrictive provisions sa Saligang Batas sa pagpasok ng mga dayuhang negosyante sa Pilipinas at matigil na ang pag-spoil sa ilang lokal na negosyante na kumokontrol sa merkado. (BERNARD TAGUINOD)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment