SENADO, KAMARA NAGBABATUHAN SA P79-B ‘INSERTIONS’

andaya1234

(NI BERNARD TAGUINOD)

“(PERO ano ba ang ikinatatakot ng mga senador sa itemized budget?”
Sagot ito ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Senado matapos ibuking ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na mayroong P79 bilyon sa P3.757 trilyon national budgt ngayong taon ang nirere-allign umano ng Kamara.
Sa statement ni House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr., walang pagtanggi na inilutang na halaga ni Sotto na nirereallign umano ng liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Gayunpamam, sinabi ni Andaya na ginagawa lamang ng mga ito ang kanilang napagkasunduan sa Bicameral conference committee nai-detalye ang pondo kung saan ito gagamitin para malaman ng publiko kung saan napupunta ang kanilang binabayarang buwis.
“The House did its part. We itemized our amendments. The people should ask the Senate if they did theirs,” ani Andaya dahil noong Pebrero natuklasan ng mga ito sa bicam meeting na mayroong P190 bilyon ang mga senador na tinawag umanong “institutional amendments” subalit pork barrel ang turing ng ilang mambabatas dito.
Isa sa mga nagpadelay sa national budget ay ang pag-aitemized umano ng Kamara sa P4.5 bilyon na lump sum ng Department of Health (DOH) kaya hanggang ngayon ay hindi pa ito napipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Unang ikinatuwiran ni Andaya na halos 300 ang Congressmen para pinagsusumite ng kanilang proposal kung saan gagagamitin ang parte ng kanilang distrito sa nasabing pondo kung saan ang pinakamataas na nakuha ang P25 milyon, kaya hindi agad naisumite sa Office of the President (OP) ang ratipikadong national budget.
“Hindi kami natatakot sa isang budget na malinaw kung saang mga lugar at ahensya, at kung anu-ano ang mga proyekto at mga programa ang popondohan. Pero ano ba ang ikinatatakot ng mga senador sa itemized budget? As far as the House is concerned, we have all the records to substantiate our stand and the legal basis, as well as the established traditions and practices to back us up,” ayon pa kay Andaya.
Hindi rin nagustuhan ng mambabatas ang banta na posibleng mapurnada ang natioal budget dahil sa realigned na P79 bilyon dahil katumbas lang umano ito ng 2% sa national budget at maaari naman aniyang iveto ito ni Pangulong Duterte.

 

68

Related posts

Leave a Comment