SENADO, KAMARA PATIGASAN PA RIN SA 2019 NAT’L BUDGET

CONGRESS SENATE1

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAGAMA’T  nagkasundo na ang mga lider ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na mag-usap upang matapos na ang deadlock sa 2019 national budget, mistulang namumuro pa rin ang reenacted budget.

Bumuo si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo nang 3-man panel na kinabibilangan nina House appropriation commmittee chairman Rolando Andaya Jr., Albay Rep. Edcel Lagman at San Juan City Rep. Ronaldo Zamora para makipag-usap sa kanilang mga counterpart sa Senado.

“We are given 5 days, the 3-man committee and the Senate counterpart  to resolve the impasse, kung mag-fail magpakatotoo na tayo ako na mismo ang magrerekominda na reenacted na tayo the whole year para umusad na mga proyekto,” pahayag ni Andaya.

Ayon sa mambabatas, kailangang masimulan na ang mga proyektong nakalinya ngayong taon habang panahon na ng tag-init gamit ang 2018 national budget na nakakahalaga ng P3.767 Trillion.

Nanindigan sina Andaya at Lagman na hindi ilegal ang ginawa ng Kongreso na i-itemize ang lump sum budget para malaman umano ng publiko kung saan napupunta ang kanilang binabayarang buwis.

Gayunpaman, itinuturing ng mga Senado na isang uri ito ng pagbabago sa orihinal na bicameral conference committee report na walang pagdedetalye kung saan gagamitin ang mga lump sum budget ng iba’t ibang departamento.

Ang Kamara ay nag-itemize umano ng P79 Billion na lump sum sa budget ng iba’t ibang departamento habang mayroong  P74 Billion ang Senado  subalit hindi idinetalye umano ng mga senador kung saan gagamitin ang pondong ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

72

Related posts

Leave a Comment