SIBAKAN SA GOBYERNO BAGO ANG CHINA TRIP NI DU30

duterte15

MARAMING tiwaling opisyal ng gobyerno ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte bago siya magtungong China para sa isang infrastructure forum.

Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban campaign rally sa Bacolod City, sinabi ng Pangulo na hindi siya mangingiming ubusin ang kanyang mga tauhang corrupt.

Nasa Beijing ang Pangulo mula April 26-27 para sa Belt and Road forum.

Paulit-ulit na iniaanunsiyo ng Pangulo ang planong pagsibak sa mga opisyal na sangkot sa iba’t ibang katiwalian at isinasapinal na ang mga ito. Hindi idinetalye ng Pangulo kung sino at saan ahensiya ang apektado ng sibakan.

 

85

Related posts

Leave a Comment