SOLON SA DOH: MAGING TAPAT SA DATOS NG COVID

DAPAT maging tapat ang Department of Health (DOH) sa tunay na kalagayan ng bansa sa laban sa COVID-19.

“We have to be honest. Dapat kumpleto at reliable ang mga datos,” sabi ni Senador Risa Hontiveros.

Ito ang pahayag ni Hontiveros sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole habang kinuwestiyon ang pahayag ng Department of Health na ang Pilipinas ay ‘flattening the country’s coronavirus curve’ lalo na at nakumpirma ang COVID-19 na mga kaso na umabot sa 12,942 ngayon at ang bansa ay hindi umaabot sa target na 20,000 bawat araw.

“Gaano ka-reliable ang datos na naging batayan para masabing na-flatten na ang curve kung ‘yung demonstrated testing capacity natin ay parang off-target at paiba-iba kada linggo?” tanong ng senadora.

Sinabi nito na base sa pag-aaral ng Johns Hopkins University, ang pagyuko sa dami ng kaso ng COVID-19 ay kabilang sa pagbabawas ng bilang ng mga bagong kaso ng virus mula sa isang araw hanggang sa mga darating pang araw.

“It’s a simple measure that is also easily understandable by many. We need to be consistent in our data, and more importantly, in the data we relay to the public. Napaka-confusing na paiba-iba ang lengguwahe at measures of success natin,” aniya.

Nababahala si Hontiveros na muling magpatupad ng panibago at mahigpit na lockdown.

“Hindi pwedeng mag-ease tayo ng lockdown pagkatapos balik na naman kasi mali pala ang ating basa sa sitwasyon — because we did not test enough people, because we did not meet our target of 20,000 tests per day. Mahirap sabihin na we have flattened the curve without real and reliable data. We have to be honest: Have we really? Let’s be clear on our benchmarks and indicators,” paliwanag nito. NOEL ABUEL

Related posts

Leave a Comment