MS. SOUTH AFRICA BAGONG MS. UNIVERSE 2019

ITINANGHAL na Ms. Universe 2019 si  Zozibini Tunzi, ng  South Africa, kapalit ni Catriona Gray, ng Philippines, sa ginanap na koronasyon sa Atlanta, Georgia, Lunes ng umaga.

Tinalo ni Tunzi ang 89 kandidata ng iba’t ibang bansa sa mundo at kauna-unahang nagsuot ng bagong Mouawad crown.

Si Madison Anderson Berrios, ng Puerto Rico, ang itinanghal na first runner-up, habang si Sofia Aragon, ng Mexico ang second runner-up.

Naunang natapos ni Ms Philippines Gazini Ganados ang kanyang journey sa timpalak nang malaglag sa top 10.

Related posts

Leave a Comment