SPECIAL AUDIT SA GOVERNMENT DEALS SA PHARMALLY, PINAMAMADALI

PINATITIYAK ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Commission on Audit Commissioner Mario Lipana na mamadaliin ang special audit sa government deals sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Sa confirmation hearing ng Commission on Appointments, hiningi ni Drilon ang commitment ni Lipana sa special audit kasunod ng pagtanggi nitong mag-inhibit sa audit.
Sinabi ni Drilon na kung mag-iinhibit si Lipana sa special audit, agad nang maisusumite ang COA report sa Senate Blue Ribbon Committee.

Binigyang-diin ng senador na una nang nangako sa kanila si outgoing Commissioner Jose Fabia na isusumite sa kanila ang COA report noong December 31, 2021 subalit hindi ito nagawa.

Ipinaliwanag naman ni Lipana na hindi siya maaaring mag-inhibit dahil constitutional duty niya ang pangasiwaan ang imbestigasyon.

Nangako naman si Lipana na agad bibigyan ng report ang Senado kaugnay sa estado ng kanilang imbestigasyon sa unang linggo ng Pebrero. (DANG SAMSON-GARCIA)

Related posts

Leave a Comment