SPECIAL POWERS ‘DI AABUSUHIN NI PDU30

duterte12

SINIGURO ng Malakanyang na hindi maaabuso ang dagdag kapangyarihang ipinagkaloob ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa gitna ng kinakaharap na krisis ng
bansa sa coronavirus disease.

Kasunod ito ng mabilis na paglusot sa dalawang kapulungan para mabigyan ng special powers ang Presidente hanggang sa malagdaan nito ang Bayanihan to Heal as One Act.
Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, makatitiyak ang sambayanang Pilipino na ang ipinagkaloob na kapangyarihan sa Chief Executive ay gagamitin lamang base sa kung ano ang itinatakda ng Konstitusyon.

May hangganan ani Sec. Panelo ang special powers ng presidente at ang bisa nito ay limitado lamang at hindi panghabang panahon. May restriksyon din aniyang nakapaloob sa mga dagdag kapangyarihang ibinigay sa Pangulo kayat walang dahilan upang maabuso ang paggamit nito. CHRISTIAN DALE

58

Related posts

Leave a Comment