‘STOP POWER’ NI QUIBOLOY GUSTO NI DU30 VS CORRUPT OFFICIALS

(NI CHRISTIAN  DALE)

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “napa-stop” ni Pastor Apollo Quiboloy ang lindol na tumama sa Mindanao kamakailan.

Nag-trending sa social media ang pagpapa-stop ni Quiboloy sa lindol.

“I believed in Pastor Quiboloy. When he said stop eh kung nag-stop eh di what’s the trouble?” ayon kay Pangulong Duterte sa Grand Opening ng Acacia Hotel Davao sa Davao City.

Sinabi pa ng Chief Executive na gusto rin daw niya na magkaroon ng “power” na katulad ng kay Quiboloy para mapa-stop niya rin ang mga corrupt na government official.

Matatandaang sinabi ni Quiboloy na dapat daw na magpasalamat pa sa kanya dahil pina-stop niya ang lindol noong nakaraang buwan kundi ay marami ang mamamatay.

“Pasalamat kayo sa akin, kung hindi ko pina-stop ‘yon, marami kayong magigiba diyan, mamamatay kayo. Kaya pasalamat kayo ako nagpa-stop ng lindol. Hindi ko sinabi ‘to na walang witness ha, may witness marami,” ang pahayag ni Quiboloy sa Oct. 30 episode ng “Give Us This Day”, isang weekly TV show.

131

Related posts

Leave a Comment