STRATEGY KONTRA COVID-19 PINABABAGO

NANGANGAILANGAN na ng isang komprehensibong tugon para sa kalusugan ng publiko sa halip na ituloy ang kasalukuyang mabibigat na pamamaraan.

Ito ang sinabi ni Senador Risa Hontiveros kung saan ang pandemya ng COVID-19 ay una at pangunahin sa isang krisis sa kalusugan sa publiko.

“We need to rethink our militaristic and police-centered approach to the problem”, aniya matapos magtala ang Department of Health [DOH] kahapon ng 2,539 confirmed cases, pinakamalaking pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases na ngayon ay may kabuuang 50,000 na.

“This is an alarming update that needs serious attention from the IATF. We need more health visibility and listen to the recommendations of health experts,” giit ng senador na tinukoy ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Inulit ni Hontiveros ang kanyang panawagan sa Department of Health (DOH) na kumuha ng mas maraming manggagawa sa kalusugan at matiyak ang kanilang proteksyon.

“We need an army of health professionals to combat COVID-19. Kung may heightened police visibility, mas dapat may heightened medical visibility rin,” aniya.

“Patuloy na dumarami ang confirmed cases ng COVID-19 at dapat na dagdagan pa ang mga health professional na may kakayahang tugunan ito,” dagdag pa ni Hontiveros.

Binigyang diin din ni Hontiveros na ang pagpapalawak ng bilang ng mga medical personnel ay mahalaga sa paghahatid ng isang pamantayan ng serbisyo sa kalusugan, lalo na sa panahon ng krisis sa kalusugan ng publiko.

“We also need to ensure that every health worker is compensated justly and has access to personal protective equipment,” ayon pa rito. (NOEL ABUEL)

69

Related posts

Leave a Comment