Taumbayan inilalagay sa panganib sa kawalan ng tubig MAYNILAD, MLA WATER ITIGIL ANG PAMBOBOLA -IMEE

0

KINONDENA ni Senador Imee Marcos ang Maynilad at Manila Water sa patuloy na pagpapatupad ng water interruption sa kabila ng paglaganap ng COVID-19 at pagdedeklara ng pamahalaan ng ‘lockdown’ sa buong Luzon.

Ayon kay Marcos, inilalagay sa panganib ng Maynilad at Manila Water ang buhay ng mamamayan sa pagpapatupad ng water interruptions dahil na rin sa kahalagahan ng tubig sa pagharap ng problema sa COVID-19.

“Bakit sasabihin ng Maynilad at Manila Water na merong sapat na supply ng tubig ang kanilang cutomers pero araw-araw naman ang water interruption? Ano ba ‘yan! Puro pambobola na lang ginagawa nila!” galit na pahayag ni Marcos.

Sabi pa ng senador na ang palagiang paghuhugas ng kamay, pag-inom ng malinis na tubig at pagpapanatili ng proper hygiene ay malaking bagay para malabanan ang paglaganap ng COVID-19, batay na rin sa pahayag ng Department of Health (DOH).

Sinabi pa ni Marcos na kailangang itigil na muna ng dalawang water company ang paputol-putol nilang serbisyo sa halos lahat ng lugar sa Metro Manila pati na rin sa mga kalapit na bayan at lungsod sa panahong ipinatutupad ng pamahalaan ang ‘lockdown’.

“Marami nang problema ang taumbayan, at sana naman maging bahagi ng solusyon ang Maynilad at Manila Water laban sa COVID-19. Pero sa nangyayari, mukhang tubo lang ang inaatupag nila,” pahayag ng senador. NOEL ABUEL

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment