TAX CREDIT SA MIDDLE CLASS HIRIT NG SOLON

IDAAN na lang sa tax credit na P5,000 hanggang P8,000 ang ayuda sa mga middle class kung hindi agad mabigyan ang mga ito ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Progam (SAP).

Ito ang mungkahi ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran upang masiguro ang ayuda sa middle class dahil tulad ng mga low income at mga walang trabaho, ay kailangan din ng mga ito ang tulong ng gobyerno.

“A lot of middle income families have also been badly hit by the slowdown in the economy and the work stoppage. They could be small businessmen or employed but their companies couldn’t sustain their operations,”ani Taduran.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos umugong ang panawagan na tulungan din ang mga middle class dahil hindi kasama ang mga ito sa 18 milyong pamilya na target ayudahan ng pamahalaan.

Bagama’t ikinokonsidera na ito ng Malacañang, mangangailangan pa ito ng pondo kaya iminungkahi ng mambabatas na bawasan na lamang ang tax ng mga ito ng P5,000 hanggang P8,000. BERNARD TAGUINOD

56

Related posts

Leave a Comment