Tiyaking maayos ang panuntunan sa libing ng mga namatay sa COVID-19 DOH, LGU DAPAT MAGTULUNGAN – REP. NOGRALES

SA pagtaas ng bilang ng nasawi sa COVID-19 na umabot na sa 45 at inaasahang tataas pa, muling pinaalalahanan ni Rizal 2nd District Rep Fidel Nograles ang Department of Health at local government units na magtulungan upang masiguro na hindi napapabayaan ang mga nasawi sa nasabing sakit.

“Dapat magtulungan sila para masigurong klaro at naiintindihan ang mga ito,” Ayon sa bagitong mambabatas.

Noong Lunes, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang kanilang tanggapan ay magpapalabas ng mga panuntunan para sa mga punerarya at crematoriums ngayong linggo kaugnay sa umano’y pagtanggi ng mga ito na serbisyuhan ang mga nasawi sa COVID-19.

Samantala, ang Interagency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ay inatasan ang LGUs na gumawa ng panuntunan sa tamang paglilibing o pagsunog sa bangkay ng isang COVID positive at maging ng person under investigation.

Inatasan din ng IATF-MEID ang LGUs na bigyan ng tulong pinansiyal ang puneraryang magseserbisyo sa nasawi upang mabawi man lang ng mga ito ang kanilang gastos sa mga tao, gamit, sasakyan at gasolina.

“Perhaps it would be better and more efficient if the DOH came up with guidelines that could be implemented across the board, rather than leave the task solely to our LGUs,” pahayag ni Nograles.

Idinagdag pa ng mambabatas ng 2nd District ng Rizal na ang guidelines mula sa DOH ang tatanggal sa pagkalito at di pagkakaunawaan dahil sa iba’t ibang sinusunod na panuntunan.

Ayon pa kay Rep. Nograles, dapat ay gumawa ng hakbang ang pamahalaan kaugnay sa pagtanggi ng mga punerarya at mga katulad na negosyo na bigyang serbisyo ang mga kaso ng nagpositibo sa coronavirus disease at PUIs.

“Besides the punitive aspect, baka dapat pagtuunan din natin ng pansin ang takot ng mga funeral worker natin na mahawa sila sa virus. They are frontliners, too, and confront the same insecurities as the rest of us, at hindi

dapat parusa ang unang mindset natin,” paliwanag ng mambabatas.

“Malaki ang maitutulong ng malinaw na guidelines, at pagbibigay natin ng karampatang suporta sa mga funeral facilities para masigurong may kapabilidad silang gampanan ang kanilang tungkulin, sa pagpawi ng agam-agam at takot nila,” dagdag pa ni Nograles. SAKSI NEWS TEAM

72

Related posts

Leave a Comment