TUBIG SA ANGAT DAM NADAGDAGAN

angatdam77

BAHAGYA pang nadagdagan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.

Alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, Jan. 3 ay nasa 201.71 meters ang water level ng Angat dam.

Bagaman ilang araw nang nadaragdagan ay malayo pa ito sa 212-meters na normal high water level ng dam.

Kapwa naman bahagyang nabawasan ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam na nasa 101.05 meters at 77.69 meters.

Nabawasan din ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Habang walang pagbabago sa water level ng Ambuklao dam.

133

Related posts

Leave a Comment