Utos ng DTI sa mga nagpapaupa 30-DAY GRACE PERIOD SA RENTAL FEES

INATASAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga nagpapa-upa ng bahay at business establishment o Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na magbigay ng 30 days grace period sa rental fees.

Sa Memorandum Circular No. 20-12, Series of 2020 na inilabas ng DTI, ipinag-utos nito ang pagpapaliban ng mga bayarin sa upa sa mga residential at MSME commercial rent habang umiiral ang enhanced community quarantine sa Luzon dulot ng COVID-19 sa bansa.

Nakapaloob din sa Memorandum Circular ng DTI, na hindi dapat patawan ng interes, penalties, at mga surcharge kung hindi nakapagbayad ang nangungupahan habang umiiral ang ECQ.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11469, o “Bayanihan to Heal as One Act.

Ang lalabag aniya rito ay maaaring makulong ng hindi bababa sa dalawang buwan at magmumulta ng hindi bababa sa 10,000.00. DAVE MEDINA

120

Related posts

Leave a Comment