VICTORY PARTY NG ADMIN BETS MALABO

duterte500

(NI BETH JULIAN)

OUT of character.

Ganito isinalarawan ni Presidential spokesperson Salvador Panelo si Pangulong Rodrigo Duterte nang usisain kung magbibigay ito ng victory party sa mga nanalong kandidato ng administrasyon nitong nagdaang eleksyon.

“Malabong mangyari yan, out of character ang Pangulong Duterte sa ganyang usapin, hindi naman mahilig yun sa ganun. Workaholic si Presidente,” pahayag ni Panelo.

Giit ni Panelo, kahit maging sa mga kapistahan o anumang okasyon ay hindi maaasahan ang Pangulo maliban lamang kung may mga importante itong kausap na may kaugnayan sa trabaho at kung hindi naman ay mas nais pa nitong manatili sa bahay.

Base sa official tally ng Comelec nitong May 15,  pawang mga kaalyadong kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte ang namamayagpag sa Senado saan walo sa 12 slot sa Senado ang napunta sa mga pro-Duterte habang ang apat ay sa mga independent candidate.

“Makikita na indikasyon iyon na marami pa rin ang sumusuporta sa pamumuno ng Pangulo,” ani Panelo.

Nakapasok sa magic 12 sina administration senatorial candidates at dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, dating PNP chief at NBP director Bato dela Rosa, Francis Tolentino at Koko Pimentel habang ang mga guest candidates ng administrasyon ay sina Cynthia Villar, Pia Cayetano, Sonny Angara at Imee Marcos.

Samantala, wala pa namang ideya si Panelo kung kukunin ng Pangulo o itatalaga nito bilang Cabinet members ang mga talunang kandidato ng administrasyon para iluklok sa mga bakanteng puwesto.

“Hindi ko pa alam, but there are many ways of serving, hindi lamang naman eh dapat appointed ng Pangulo,” katwiran pa ni Panelo.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment