VILLAR: KUNG MAHAL ANG GALUNGGONG, ‘WAG KUMAIN!

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

“KUNG mahal ang galunggong, eh ‘di wag kumain ng galunggong, di ba?”

Ito ang iginiit ni Senador Cynthia Villar kasunod ng pagtaas ng presyo ng iba’t ibang mga produkto, kabilang na ang galunggong.

Sinabi ni Villar na marami namang alternatibong pwedeng gawin kaya’t hindi kailangang magtiis ang taumbayan sa mga produktong mataas ang presyo.

“There are other alternatives na pwedeng gawin, bakit ba gustong-gusto ninyo ang galunggong kung mahal ang galunggong,” giit nito.

Iginiit ng senador na ang pagbili ng mga produkto kahit mataas ang presyo ay lalo lamang magiging dahilan ng pagtataas ng presyo nito.

“Eh lalong nae-encourage yung price increase, bakit hindi kayo kumain ng gulay? Mas healthy ‘yun. In fact, di ba bumaba ang ating rating, ating mga students one of the theory doon ay malnutrition,” dagdag pa ng senador.

Aminado si Villar na ang mga negosyante kapag nakakita ng oportunidad na magtaas ng presyo ay magdaragdag sila ng presyo kahit walang batayan.

Dahil dito, iginiit ng mambabatas na dapat lamang na maghigpit ang regulatory body partikular ang Department of Trade and Industry upang tiyakin na walang negosyanteng aabuso.

Related posts

Leave a Comment