WALANG VIP SA ECQ – DOH

0

WALANG bibigyan ng espesyal na trato ang pamahalaan kahit mga indibidwal na ‘fully-vaccinated’ na dahil kabilang pa rin ang mga ito sa pagbabawalang lumabas sa oras na ipatupad na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila sa Agosto 6 hanggang 20.

Ito ang pagtiyak ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Aniya, hindi mamimili ang pamahalaan sa mga hindi pa nababakunahan at bakunado na dahil tanging ‘authorized persons outside of their residence (APOR)’ ang papayagang makalabas sa panahon ng ECQ.

“There will be no distinction between vaccinated and unvaccinated individuals… No differentiation between vaccinated and unvaccinated. Only the APORs will be allowed outside,” ayon kay Vergeire.

Iniiwasan din ng pamahalaan ang posibleng reklamo ng mga handa na ngunit hindi pa nababakunahan dahil sa kakapusan ng suplay ng COVID-19 vaccines.

“Ibig sabihin doon po sa mga hindi bakunado, meron po diyan na ayaw po talaga nilang magpabakuna, ngunit meron din po diyang gusto niyang magpabakuna pero hindi pa ho siya nakakapag-access ng bakuna,” saad pa ni Vergeire.

Sa huling anunsiyo ng Palasyo, umaabot pa lamang sa 7.8 milyong Filipino ang nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment