WEEKEND SHUTDOWN NG MRT NAUDLOT

0

IPINAGPALIBAN ng Department of Transportation ang nakatakda sanang weekend shutdown at repair works sa MRT 3.

Inaprubahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang rekomendasyon ng operator ng MRT na huwag munang ituloy ang temporary shutdown mula ngayong October 31 hanggang Nobyembre 2.

Magsasagawa sana ng repairs sa riles, ayon kay DOTr-MRT3 director for operations Michael Capati.

Paliwanag ng DOTr, ito’y para protektahan ang mga mangaggawa na kikilos doon, dahil matatapat ito sa kasagsagan ng inaasahang pagpasok ng bagyong Rolly sa bansa.

Bunga nito, tuloy ang operasyon ng tren sa mga nasabing petsa.

Samantala, inanunsyo ng Philippine Airlines na posibleng magkansela sila ng biyahe sa Nov. 1 at Nov. 2 dahil sa Bagyong Rolly.

“If necessary, for urgent safety reasons, Philippine Airlines may have to cancel certain flights or adjust schedules, possibly for November 1 (Sunday) and November 2 (Monday),” sinabi ng PAL.

“We will keep you informed on developments, as we carry out measures to secure our aircraft and ground equipment in Manila and in Clark,” dagdag nito.

Inabisuhan ang mga biyahero na tingnang maige ang flight status bago magtungo sa airport.

Kaugnay nito, iniulat ng PAGASA na lumalakas ang bagyong Rolly habang kumikilos papalapit sa bansa.

Posibleng maging isa itong super storm kung saan magtataas ang PAGASA ng Storm Signal number 3 o 4 kung kailangan.

Kahapon ay nasa karagatan pa at may hangin itong umaabot sa 165 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na papalo sa 205 kph.

Bumagal ito sa pagtahak sa kanluran sa bilis na 15 kph.

Namataan ito 1100 kilometers east ng Central Luzon.

Pinag-iingat ang mga nasa mababang lugar.

May isa pang binabantayan na sama ng panahon ang PAGASA sa Mindanao.

Papasok ito sa PAR kasabay ng inaasahang landfall ng Bagyong Rolly. (CATHERINE CUETO)

Related posts

Leave a Comment