“WISH LIST” ISUSUMITE NG PNP SA PANGULO

albayalde

(Ni AMIHAN SABILLO)

Nakatakdang magsumite ang Philippine National Police (PNP) ng kanilang “wish list” ng kagamitang kakailanganin pa kay Pangulong Duterte.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, ang inutos ng pangulo sa kanya nang panandalian silang magkausap pagkatapos ng SONA noong Lunes ay kailangang palakasin ng AFP at PNP ang kanilang intelligence gathering pangontra sa Terorismo.

Sinabi ng PNP Chief, na kabilang sa kanilang ire-request sa pangulo ay makabagong surveillance equipment dahil magandang investment umano ito upang labanan ang Terorismo na malaganap ngayon sa buong daigdig.

Aminado naman si Albayalde na kulang ang kanilang pondo na pambili ng surveillance equipment.
Daing ng PNP Chief, matagal na nilang paulit-ulit na hiling ang pondo para sa pagbili ng mga surveillance equipment pero napupulitika ito kaya hindi maaprobahan ang kanilang proposal, at itinigil na lang nila ang paghingi ng budget.

76

Related posts

Leave a Comment