WORLD CLASS INTERNET SERVICE MALABO SA PINAS

MALAYO pa sa pagiging world class ang internet service sa bansa.

Ito’y dahil hindi sapat ang sinasabing improvement ng mga telco para makuntento na ang taumbayan sa serbisyong ibinibigay ng mga ito sa kanilang mga kliyente.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi naman nila isinasantabi ang ginawang improvement ng mga higanteng kompanya ng telecom companies pero may hinahanap pa rin aniya ang publiko.

Ang gusto aniya ng mga Pilipino ay maging world class ang serbisyo ng dalawang higanteng kumpanya at makasabay sa klase ng internet service ng ibang mga bansa.

Tuwirang sinabi ni Sec. Roque na ang Pilipinas bilang nasa ika-34 sa ranking ng 50 mga bansa dito sa Asya kung pag-uusapan ay internet speed ay hindi talaga masasabing pang-world class.

Pinakamainam na serbisyo aniya ang gusto ng mga tao na sa sandaling maibigay ay duon lang masasabing world class ang ang ating internet service.

“Well, hindi naman po inggrato ang sambayanan at hindi po natin binabalewala iyong mga naging improvement. Pero sa totoo lang po, ang ninanais po ng ating mga kababayan ay hindi lang po na mag-improve; ninanais din po ng ating mga kababayan iyong maging world-class,” ayon kay Sec. Roque.

“At tapatan lang po tayo, at number 34 in Asia, I don’t think we are world class,” ayon pa sa kalihim.

o0o

2M OBRERO SA FLOATING
STATUS NABAWASAN NA

KUMBINSIDO ang Labor Department na nabawasan na ang mahigit 2 milyong bilang ng mga empleyado na nasa floating status.

Sinabi ni Labor Undersecretary Benjo Benavidez, muli nilang sisilipin ang kanilang hawak na datos upang ma-check kung gaano na karami sa mga nawalan ng trabaho noon ang nakabalik na sa paghahanap-buhay.

Ani Benavidez, sa kasalukuyan kasi ay mas marami nang mga kompanya ang pinayagang magbalik operasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) kasunod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Simula aniya noong nakalipas na buwan ng Nobyembre hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na dumarami ang mga binubuksang industriya ng pagnenegosyo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa katunayan nga aniya ay nagtaas na ng operational capacity ang mga restaurant, retail store at iba pang mga commercial establishment. (CHRISTIAN DALE)

61

Related posts

Leave a Comment