ZUBIRI NAGPOSITIBO MULI SA COVID-19

MULING nagpositibo sa COVID-19 si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri matapos na dumaan sa pagsusuri bago dumating sa mababang kapulungan ng Kongreso para sa State of the
Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dismayado si Zubiri nang lumabas sa swab test na nagpositibo siya sa COVID-19 kung kaya’t nagdesisyon itong huwag nang tumuloy sa pagdalo sa SONA.

Magugunitang si Zubiri ay una nang gumaling sa COVID-19 ilang buwan na ang nakalilipas matapos tamaan ng naturang virus.

Samantala, maging si Senador Sherwin Gatchalian ay hindi rin nakadalo sa Batasang Pambansa matapos ma-expose umano ito sa isang COVID-19 positive.

Dahil dito ay nanood at nakinig na lamang ito sa SONA ng Pangulong Duterte.

Magandang balita naman kina Senate President Vicente Sotto III, Senador Pia Cayetano, Senador Ronald dela Rosa, Senador  Christopher Go, Senador  Ramon “Bong” Revilla Jr. at Senador Francis Tolentino na pawang negatibo  sa coronavirus sa RT-PCR tests. (NOEL ABUEL)

Related posts

Leave a Comment