2 KASAPI NG ANAKPAWIS PARTY-LIST, NILIKIDA

DALAWANG miyembro ng Anakpawis Party-list ang nilikida ng hindi pa nakikilalang kalalakihan sa lalawigan ng Sorsogon.

Agad ipinag-utos ni PNP-Police Regional Office 5 Director P/BGen. Jonnel C. Estomo ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa pagpatay sa mga biktimang live-in partners na sina Silvestre Erlano Fortades Jr., alyas “Sanggantang”, 64, at Rosemarie Galias, 63, kapwa residente ng Brgy. Poblacion Norte, Barcelona, Sorsogon.

Ang dalawa ay binaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Purok 1-B, Brgy. San Vicente, bayan ng Barcelona, ng nasabing lalawigan noong nakalipas na Linggo.

Ayon sa mga nakasaksi, binaril ang dalawa habang nagtitinda ng sibuyas, bawang at iba pang mga sangkap pangluto.

Kasalukuyang inaalam pa ang motibo ng apat na mga suspek na responsable sa pamamaril sa mga biktima.

“Makakaasa ang publiko na hindi hihinto ang kapulisan upang alamin kung sino ang nasa likod ng insidente.

We remain firm and relentless with our efforts to probe the person behind the killing to these individuals. Apart from this, we have also step-up our campaigns against criminalities such as the maximum deployment of personnel and conduct of COMELEC checkpoints in the various areas in the Bicol region”, ayon kay RD Estomo. (JESSE KABEL)

Related posts

Leave a Comment