2 PUSHER, BULAGTA SA BUY-BUST SA LAGUNA AT BATANGAS

0

MAGKASUNOD bumulagta ang dalawang umano ay tulak ng droga matapos kumasa sa isinagawang buy-bust operation sa Lipa City at bayan ng Pila sa Laguna noong Martes ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang suspek na si Neil Katigbak na nakipagbarilan umano sa mga pulis na nagsagawa ng operasyon sa Barangay Balintawak, Lipa City dakong alas 11:30 ng gabi.

Narekober dito ang 5 gramo ng shabu at isang 38 magnum revolver.

Sa Barangay Dila, Bay, Laguna, dead on the spot ang suspek na si Ronald Mullet na umano ay miyembro ng Baying drug group matapos makipagbarilan din sa mga awtoridad sa buy-bust operation dakong 11:45p.m.

Narekober dito ang 5 sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P68,000.00 at isang kalibre .45 baril.
Nakakuha pa rin dito ng isang brick ng hinihinalang marijuana. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment