3 SUNDALO, 6 TERORISTA PATAY SA ENCOUNTER

SULU – Patay ang tatlong sundalo at anim na local terrorists sa sagupaan sa lalawigang ito, ayon sa ulat ng military nitong Sabado.

Ayon kay Army Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command, anim na terorista at tatlong sundalo ang namatay sa nangyaring sagupaang sa bayan ng Patikul sa lalawigan ng Sulu na nagsimula noong Biyernes ng umaga.

Sa report na isinumite kay Western Mindanao Command at incoming Chief of Army Lt. Gen. Cirilito Sobejana, nagsasagawa ng security operations ang mga tauhan ng Philippine Army 32nd Infantry Battalion nang paputukan sila ng isang malaking grupo ng mga bandido sa Barangay Taong bandang alas-11:00 ng umaga.

Agad na nauwi ito sa matinding bakbakan na ikinasugat din ng tatlong sundalo, ayon kay Maj. Gen. Corleto Vinluan, commander ng Joint Task Force Sulu.

Tatlo sa napatay na local terrorists ang na-recover ng mga sundalo sa isinagawang clearing operation sa lugar na pinagyarihan ng bakbakan.

Pansamantalang hindi muna inihayag ang pangalan ng napatay na mga sundalo habang hindi pa napapasabihan ang pamilya ng mga ito.

Ayon kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, “The men and women of WestMinCom commiserates with the bereaved families of our fallen heroes who dedicated their life serving their beloved country.  Our forces from the JTF Sulu are determined to pursue the fleeing enemies in honor of their fallen comrades.”

“It is with deep sadness to report that three of our brave soldiers succumbed to death while defending the people of Sulu,” ani Maj. Gen. Corleto Vinluan.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital ang sugatang mga tropa ng Philippine Army. (JESSE KABEL)

Related posts

Leave a Comment