2,855 HEALTH WORKERS KAILANGAN NG GOBYERNO

0

PANAHON na para mag-hire ang gobyerno ng karagdagang 2,855 health workers para tumulong sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Ito, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles ay dahil patuloy na nakikita ng bansa ang pagsirit ng bilang ng virus infections.

Nabatid na 9,365 ang kailangan na health workers para tumutok sa pandemya.

Sa ngayon, ang pamahalaan ay mayroon nang napunan na 6,510 positions o katumbas ng 69.51 percent.

“Tayo po sa pamahalaan ay actively nagre-recruit pa po ng health workers,” ayon kay Nograles.

Ang mga health worker ay headlines sa balita matapos umapela ang mga ito sa pamahalaan ng ‘timeout’ mula sa overwork at safety concerns dulot ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

‘As of Aug. 2,’ sinabi ng health department na mayroong 5,096 confirmed COVID-19 cases sa hanay ng health workers, kung saan ay 405 ang active cases.

Nitong linggo ay tinugon ni Pangulong Duterte ang panawagan ng mga health worker na ibalik ang  Metro Manila sa stricter community quarantine dahil sa hirap na nararanasan nila sa paglaban sa virus.

Ang modified enhanced community quarantine ay ipinatutupad ngayon sa Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal at nakatakdang magtapos sa Agosto 18. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment