4 NAVOTAS BARANGAYS, COVID FREE NA

SA kabila ng pagkamatay ng tig-isang COVID-19 patient, 179 ang gumaling mula sa nasabing nakamamatay na sakit sa Valenzuela City, habang wala nang naitalang active COVID case sa apat na barangay sa Navotas City, noong Oktubre 21.

Umabot na sa 7,186 ang recovered patients sa Valenzuela City mula sa 7,007 noong nagdaang araw.

Bukod dito, 177 na lamang ang active COVID cases mula sa 337 o kabawasan ng 160, subalit nadagdagan ng isa ang mga namatay sa pandemya na umabot na ng 232.

Sumipa naman sa 7,595 ang COVID positive sa lungsod mula sa dating 7,575.

Samantala, COVID-free na ang mga barangay ng Bagumbayan North, Bagumbayan South, Navotas East at North Bay Boulevard North sa lungsod ng Navotas.

Tatlong pasyente naman ang gumaling at isa sa 12 bagong nagpositibo ang namatay.

Hanggang alas-6:00 ng gabi sa nasabing petsa ay 5,069 na ang nasapol ng COVID sa lungsod, kung saan 4,815 na ang gumaling, 145 na ang sumakabilang-buhay at 109 ang active cases. (ALAIN AJERO)

38

Related posts

Leave a Comment