600 DAILY AVERAGE COVID CASES, NAITALA NOONG HUNYO

NAKAPAGTALA ang pamahalaan ng 622 average na kaso ng COVID-19 kada araw mula Hunyo 1 hanggang 28.

Sinabi ni National Task Force Chief Implementer Carlito Galvez, lumalabas na mababa pa rin kung tutuusin ang datos at magandang senyales na nasusundan ang positivity na 6.2 percent.

Kaya asahan aniya na pumalo sa mahigit 600 ang lumabas na average new COVID cases kada araw sa buwan ng Hunyo dahil tumataas na ang testing capacity na nasa 12 hanggang 15 thousand kada araw.

Kung magkakaroon aniya ng 10,000 test kada araw, otomatikong papalo sa higit 600 o 700 ang inaasahang new cases per day.

Para naman kay Presidential spokesperson Harry Roque, mababa pa rin ito na kung saan, lumalabas na anim hanggang pito sa bawat 100 dumaan sa test ang nagpopositibo sa COVID exam. CHRISTIAN DALE

Related posts

Leave a Comment