7 STAFF NG DOH-CALABARZON NAGPOSITIBO SA COVID-19

PANSAMANTALANG sarado ng isang linggo ang tanggapan ng Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal Quezon) makaraang magpositibo sa COVID-19 ang pitong staff nito sa isinagawang swab test sa lahat ng kanilang mga empleyado.

Ayon kay DOH Regional Director Eduardo Janairo, sarado ang kanilang tanggapan mula Hulyo 27 hanggang Hulyo 31.

“We have decided to temporarily close the office to give time for an office-wide cleaning and conduct disinfection activity in all its premises,” ayon kay Janairo.

“Close contacts of those who have been found to be positive of the virus will undergo strict quarantine and isolation as per requirement to prevent its further spread. These measures shall be employed to ensure the health and safety of the employees and the public as well,” paliwanang pa nito.

Nabatid na sa pitong kompirmadong kaso, anim dito ang kasalukuyang active cases.

Dagdag pa ni Janiaro, lahat ng official communications ay idaraan sa kanilang DOH-CALABARZON official website  na chd4a_doh_calabarzon@yahoo.comat lahat ng staff ay “Work from Home (WFH)” basis  para maipagpatuloy ang mga serbisyong kinakailangan.

Iginiit din nito ang tatlong importanteng health habit, ang social distancing, pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay.

“Kailangang gawin na natin itong mainstream or normal behavior dahil itong mga ito ang makapagbibigay ng proteksyon at magliligtas sa atin laban sa anumang sakit.”

“Napakaimportante na lahat tayo ay magtulungan and do our own part in the fight against the COVID-19 virus,” paalala pa ng regional director.

Ang tanggapan ng DOH-CALABARZON Regional Office ay matatagpuan sa Quirino Memorial Medical Center Compound sa Project 4, Quezon City. (SIGFRED ADSUARA)

Related posts

Leave a Comment