ARMY NAGHATID NG AYUDA SA 6K PAMILYA SA MALABON

PINANGUNAHAN ng mga tauhan ni Philippine Army chief LtGen Gilbert Gapay ang pamamahagi ng may 6,000 family food packs (FFP) na bahagi ng Php 250 million na donasyon ng Asian Development Bank kahapon sa Brgy. Hulong Duhat, Malabon City.

Umaabot sa anim na libong pamilya mula sa naturang barangay ang unang makikinabang sa 250 Million worth of food donations ng ADB na layuning matulungan ang mahihirap na pamilya na apektado ng pinaiiral na enhanced community quarantine.

Pinasalamatan ni Barangay Chairman Anthony Velasquez ang ADB at Philippine Army, kasama ang DSWD, dahil kabilang ang kanilang lugar sa napili na pagkalooban ng ayuda at ito umano ang pinakamalaking tulong na kanilang natanggap mula nang magpatupad ng Luzon-wide enhanced community quarantine.JESSE KABEL

174

Related posts

Leave a Comment