Babala ng solon sa kawalan ng overall plan vs COVID-19 HEALTH CARE SYSTEM, BABAGSAK

NABABAHALA na si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa kalagayan ng health care system ng

bansa matapos iulat ng Department of Health (DOH) na nasa “danger zone” na ang mga

pagamutan sa Metro Manila dahil okupado na ang mahigit 82% ng COVID-19 bed capacity sanhi ng

pagdagsa ng pasyenteng nahawahan ng virus.
Sa pahayag, sinabi ni Drilon na lubha nang nakaaalarma ang sitwasyon ng health care system sa

bansa dahil dumadami ang nagkakasakit sa virus sanhi ng kawalan ng kumprehensibo at

pangkalahatang plano upang labanan ang sakit.
“It’s a cause for alarm. Hospital beds are running out. Patients were dying while waiting for hospital

beds. Patients are already spreading the virus while waiting for their test results,” ayon kay Drilon.
“These are the issues that millions of Filipinos, myself included, wanted to hear from the

President’s 5th State of the Nation Address,” giit niya.
Ibinabala pa ng DOH na malapit nang manghingalo ang health care system sa bansa at malapit na

rin sa warning zone ang mga ospital sa Calabarzon at Central Luzon dahil umabot na sa 50% ang

okupadong kama sa kani-kanilang lugar.
Muling iginiit ni Drilon na kailangan nang lumikha ng kumprehensibong plano upang tugunan ang

pandemya, tumaas na bilang ng nahahawa at epekto  nito sa ekonomiya.
Sinabi ni Drilon na hindi na maaari pang sumandal ang pamahalaan sa mga nakalipas na

estratehiyang ginamit tulad ng shotgun approach sa pagpapatupad ng pinakamatagal  at

pinakamahigpit na lockdown sa buong mundo, na lubhang pumalpak. (ESTONG REYES)

Related posts

Leave a Comment