BAGONG QUARANTINE CLASSIFICATIONS IHAHAYAG NI PDU30 SA LUNES

0

IAANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa darating na Lunes, Nobyembre 30, ang quarantine classifications para sa buwan ng Disyembre.

“Bagamat holiday po sa a- trenta, I have had to personally change my schedule because I was told na magkakaroon ng talk to the people po ang presidente sa a trenta ng Nobyembre which is a holiday,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

“Doon po i-a-announce ni Pangulo ang change in classifications kung meron po,” dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, maraming bahagi ng bansa ang nasa ilalim ngayon ng “less restrictive measures” na general community quarantine (GCQ) o modified GCQ.

Ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City, at Lanao del Sur ay isinailalim sa GCQ para sa buong buwan ng Nobyembre habang ang natitirang bahagi ng bansa ay nananatili naman sa MGCQ.

Noong Nov. 20, ibinalik ang Davao City sa GCQ mula sa MGCQ matapos itong makapagtala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment