BAGYONG KAMMURI POSIBLENG MAGING SUPER TYPHOON

BAGYONG USMAN-2
0

POSIBLE umanong maging super typhoon ang binabantayang ‘Bagyong Kammuri’ na papangalanang ‘Tisoy’ pagpasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR)

Ayon sa 4am weather update ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 1.350 kilometro Silangan ng Southern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 km bawat oras.

Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 25 km kada oras at inaasahang papasok ng PAR sa pagitan ng Sabado ng gabi at Linggo ng umaga.

Ayon sa Pagasa, pagpasok ng PAR ay aabutin pa ng tatlong araw bago ito tuluyang tumama sa Southern Luzon partikular sa Bicol Region.
Ngayong araw, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa northeast monsoon o Amihan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at mga lalawigan ng Aurora at Quezon.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng Luzon ay bahagyang apektado na rin ng Amihan at makararanas ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan.

Sa Visayas at Mindanao asahan ang maalisangang panahon na may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Batanes
– Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– Isabela
– Aurora
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Camarines Norte
– Northern coast ng Camarines Sur
– Catanduanes
– Eastern coast ng Quezon kasama ang Polillo Island
– Northern coast ng Northern
– Eastern Samar

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment