BAGYONG URSULA NAKAAMBA SA PASKO

0

(NI ABBY MENDOZA)

PINAPAYUHAN ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko na bibiyahe ngayong Kapaskuhan para umuwi sa kanilang mga probinsya na gawin na ito ng mas maaga upang makaiwas sa ma-stranded dahil sa inaasahang papasok na bagyong Ursula.

Ayon sa Pagasa, itataas nila ang gale warning signal sa Lunes ng gabi, Disyembre 23, mangangahulugan ito na sususpendihin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga biyahe ng mga barko dahil sa sama ng panahon at inaasahang mataas na alon.

Sa pinakahuling monitoring ng Pagasa ay isa nang bagyo ang Low Pressure Area(LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), sa oras na pumasok ito ng bansa ay tatawagin na itong bagyong Ursula na ika-21 bagyo na pumasok ng bansa ngayong taon.

Ang papasok na bagyo ay namataan 1855 km East ng Mindanao, kumikilos ito sa bilis na 40kph at bugso na 60kph.

Sa forecast ng Pagasa ay Lunes ng madaling araw inaasahang papasok ng PAR ang bagyo at dadaan ito sa Visayas Region.

“The tropical depression is expected to landfall at the Caraga region or Eastern Visayas between December 24 to 25. It is expected to become stronger and is most likely to become a tropical storm,” pahayag ni weather forecaster Netherlene Salitrero.

Samantala, ang isa pang LPA na nagdadala ng paguulan sa Visayas ay namataan sa layong 605 kilometers ng Hinatuan, Surigao del Sur, hindi naman ito inaasahang lalakas pa at matutunaw na sa mga susunod na araw.

 

 

 

 

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment