Binalaan na manatiling non-partisan MGA SUNDALO HINIKAYAT NA MAGPAREHISTRO

0

PUNTIRYA ng Philippine Army na makapagrehistro ang lahat ng mga sundalo at makiisa sa gaganaping May 2022 national and local elections sa susunod na taon pamamagitan ng pagboto.

Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, pinuno ng Office of the Army Chief Public Affairs, target nila ang 100 percent registered soldiers na lalahok sa election process.

Kaya patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Commission on Election para sa pagpaparehistro at pagboto ng mga sundalo na nasa malalayong lugar o itinalaga na magbantay sa panahon ng eleksyon sa malalayong lalawigan.

Nabatid na kuwalipikado ang mga sundalo sa early voting system ng Comelec subalit tanging mga national position lamang ang kanilang iboboto lalo pa’t wala sila sa lugar kung saan sila talaga nakarehistro.

Una nang pinaalalahanan ni Philippine Army commanding general, Lt. Gen. Andres Centino ang lahat ng mga commander na manatiling non-partisan sa darating na 2022 presidential polls.

Subalit nilinaw ni Col. Trinidad na ito ay gabay lamang mula sa Department of National Defense at constant reminder lamang ni Lt. Gen. Centino sa army commanders at walang partikular na opisyal na tinutukoy.

Paliwanag ni Trinidad, ang paalala ng Army chief ay pag-uulit lang ng bilin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa buong Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Actually, it’s a guidance from the Secretary of National Defense and we have been reminded that the Armed Forces, particularly on the level of our commanding general, the army to remain non-partisan in this coming national election, it only means that the army will always be fair and secure everybody if needed and no to join in any sabihin nating considered political in nature for our activity,” pahayag ni Col. Trinidad.

Wala naman aniyang babala na ibinigay ang Army chief sa mga susuway sa kautusan, pero meron aniyang mga probisyon sa Articles of War na magpapataw ng kaukulang parusa sa mga hindi sumusunod sa kanilang superiors.

Sinabi ni Col. Trinidad, positibo naman itong tinanggap ng lahat ng commanders na laging sumusunod sa mga kautusan mula sa itaas. (JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment