CEBU CITY SOLO SA ECQ, NCR GCQ PA RIN

INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili sa ilalim ng enhanced community quarantine ang Cebu

City.
Sa public address ng Pangulo ay nauna nang binasa ni Health Secretary Francisco Duque ang rekomendasyon ng

Inter-Agency Task Force na klasipikasyon ng quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa na inulit naman ng Chief

Executive.
“Ang ECQ – pinakamataas kasi marami na ang taong may infection sa hospitals. Cebu City. Kayo lang,” ayon sa

Pangulo.
Sa kabilang dako, mananatili pa rin ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) hanggang Hulyo 15

kasama ang mga lalawigan ng Benguet, Cavite, Rizal, Leyte at Southern Leyte, at ang cities of Lapu-Lapu, Mandaue at

Ormoc.
Ang Talisay City, na nauna nang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine, ay isinailalim sa general

community quarantine, kasama ang mga bayan ng Minglanilla at Consolacion.
Habang isinailalim naman sa modified general community quarantine (MGCQ) ang mga sumusunod:
CAR: Abra, Baguio City, Ifugao, Kalinga;
Region 1: Ilocos Norte, La Union, Pangasinan;
Region 2: Cagayan, Isabela;
Region 3: Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Angeles City;
Region 4A: Batangas, Laguna, Quezon, Lucena City;
Region 4B: Palawan, Puerto Prinsesa City;
Region5: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Naga City;
Region 6: Capiz, Iloilo, Iloilo City, Negros Occidental, Bacolod City;
Region 7: Cebu Province, Bohol, Negros Oriental;
Region 8: Tacloban City, Western Samar;
Region 9: Zamboanga City, Zamboanga del Sur;
Region 10: Bukidnon, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Cagayan de Oro;
Region 11: Davao del Norte, Davao del Sur, Davao City, Davao de Oro;
Region 12: Cotabato, South Cotabato;
Region 13: Agusan del Norte, Butuan City.  (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment