COA DAPAT PA RING MAGTRABAHO KAHIT MAY KRISIS

NILINAW ni Senador Christopher Bong Go na tungkulin pa rin ng Commission on Audit (COA) ang mag-check sa paggastos ng gobyerno sa kanilang pondo.

Subalit sinabi ni Go na sa panahon ngayon ng emergency, hindi maaaring maantala ang pagbili ng mga kailangang tulong ng mga ahensiya ng gobyerno para sa pagharap sa
krisis ng COVID 19.

Aniya, hindi maaaring paghintayin ang pagtulong sa mga mamamayan.

Tiniyak naman ni Go na sinabihan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensiya na hindi ito ang panahon ng kurapsyon at mananagot pa rin ang mga dapat managot
kung kinakailangan.

Iginiit pa ni Go na ito ang panahon na dapat magtiwala sa gobyerno at sa kapwa Pilipino dahil naniniwala siyang konsensiya na ang kalaban ng mga nagbabalak pa
ring gumawa ng kalokohan sa gitna ng nangyayaring krisis. NOEL ABUEL

Related posts

Leave a Comment