COVID-19 UPDATE INFECTED SA PINAS, 54K NA

LALONG lumobo ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nang madagdagan ito ng mahigit 1,300 noong Sabado.

Sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00 ng hapon noong Sabado, umabot na sa 54,222 ang confirmed cases ng naturang sakit sa  bansa. Sa nasabing bilang, 38,813 ang aktibong kaso.

Nabatid na 1,387 ang nadagdag pang kaso ng COVID-19 kung saan 918 ang “fresh cases” habang 469 ang “late cases.” Nadagdagan naman ng 12 ang mga nasawi.

Dahil dito, 1,372 ang COVID-19 related deaths sa bansa habang 14,037 ang total recoveries matapos madagdagan ng 807. (D ANIN)

o0o

182 RECOVERIES SA ANTIPOLO

NAKAPAGTALA na ng 182 pasyenteng gumaling sa COVID-19 ang lungsod ng Antipolo.

Ayon sa lokal na pamahalaan, mayroon na ring 38 nasawi at 371 ang kumpirmadong kaso ng sakit sa lungso matapos itong madagdagan ng lima sa nakalipas na mga araw.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares, mahigpit na rin nilang ipinatutupad ang pagsusuot ng facemask at pagsunod sa social distancing.

Sa kasalukuyan, mayroon na umanong 52 establisimyento ang kanilang ipinasara dahil sa hindi pagtalima sa health protocol. (KNOTS ALFORTE)

64

Related posts

Leave a Comment