DE LIMA NAKALABAS NA SA PAGAMUTAN

BALIK kulungan matapos makalabas sa pagamutan si Senador Leila de Lima dahil sa posibleng pag-atake ng mild stroke.

Si de Lima ay binigyan ng tatlong araw na medical furlough at nanatili sa Manila Doctors’ Hospital para sa pagsusuri at pagpapagaling.

Una nang dumaing ng matinding pananakit ng ulo ang senador habang nasa loob ng PNP Custodial Center noong April 21.

Nag-negatibo naman sa COVID-19 si de Lima subalit kinailangang sumailalim sa brain magnetic resonance imaging (MRI) at blood chemistry sa pagamutan.

Una na ring na-admit sa pagamutan ang mambabatas noong Pebrero para sa routine medical examination. (DANG SAMSON-GARCIA)

70

Related posts

Leave a Comment