Duda ng doktor sa punuang emergency rooms 4,000 NAMATAY SA COVID-19 ‘DI NA-REPORT

ITO ang naging pahayag ni Dr. Tony Leachon, dating special adviser ng National Task Force on COVID-19.

Sa isang panayam kay Dr Leachon, posible umanong may 4,000 katao ang nasawi sa coronavirus disease sa Pilipinas subalit hindi sila nakasama sa opisyal na tally ng gobyerno dahil marami sa mga malubhang pasyente ay namatay nang hindi sumasailalim sa COVID-19 test.

“Ang tingin ko niyan, underreported ang deaths natin siguro ng mga 4,000.

Kasi ang dami po sa emergency room, maging sa hospital namin at sa Philippine General Hospital at many other hospitals, that the patients would only come to the hospital, siyempre dahil wala silang pera, malala na po,” ani Dr. Tony Leachon.

“At hindi na sila nare-record. Pero pag-Xray nila, the typical COVID-19 pneumonia ho iyon. Kaya lang hindi natin sila maire-report,” ayon pa sa dating COVID-19 task force adviser sa isang panayam.

“May mga dumadating kasi sa hospital na severe na, wala na tayong pagkakataon na kunan pa sila ng swab test. At sila’y namamatay na lang dun. Eh, ang pag-diagnose natin, eh base sa tinatawag
natin na swab test,” paliwanag pa ng duktor.

Sa huling ulat ay mahigit 2,000 na ang bilang ng nasawi sa COVID-19, ayon sa DOH habang 103,185 ang confirmed cases. (JESSE KABEL)

153

Related posts

Leave a Comment