DURANTE: LOCKDOWN ‘DI SA BUONG MALACAÑANG

NILINAW ni PSG commander Colonel Jesus Durante III na magpapatupad ng lockdown ang Presidential Security Group (PSG) sa mga personnel nito at hindi sa buong
Malakanyang.

Aniya, inatasan niya ang lahat ng PSG personnel na mag-self quarantine epektibo bukas, Marso 28.

Wala aniyang PSG personnel ang papayagan na lumabas ng Malacañang Complex hanggang Abril 10.

Mananatili naman ang skeletal work force ng OP personnel at papayagan na pumunta sa kani-kanilang ‘respective offices’ sa loob ng Malacañang complex.

Iyon nga lamang ay kailangan nilang sumailalim sa regular screening procedures.

“The lockdown only applies to PSG personnel,” ayon kay Durante. CHRISTIAN DALE

Related posts

Leave a Comment