E-PRESCRIPTION IPINAKUKONSIDERA NG DDB

UMAPELA ang Dangerous Drugs Board sa mga doktor, pharmacists at drug store personnel na ikonsidera ang paggamit ng electronic prescription para sa mga gamot

kasama ang listahan ng dangerous drugs sa buong bansa habang nasa ilalim ng state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic.

Noong nakaraang Linggo, naglabas ng advisory ang DDB na naglalaman ng guidelines sa paggamit ng electronic prescription para sa dangerous drugs.

Ito ay nangangahulugan na ang mga pasyente, na may lehitimong pangangailangan, ay maaaring magtanong sa kanilang doktor para ipadala ang photo o electronic copy ng Special or Ordinary Prescription para sa isang dangerous drug na maaaring gamitin sa pagbili sa legitimate transactions.

Binigyan-diin ni DDB Chairman, Secretary Catalino S. Cuy, na may pagbabago sa pamamaraan ang ahensiya na magpapagaan sa kasalukuyang enhanced community
quarantine.

“We want to ensure that patients will still be able to access their medications without having to physically go to their doctors to ask for prescription,” ani Cuy.

Ayon sa kalihim, ang DDB ay laging naghihigpit sa pagpapatupad ng kanilang protocols para sa pagrereseta at dispensasyon ng dangerous drugs.

Saad pa ng kalihim, “these tough times require extraordinary measures given that one way of controlling the spread of the virus is through social distancing and minimal interaction with others.”

Kaugnay nito, hinikayat ng DDB ang associations of Physicians at Pharmacists na tulungan sila sa pagpapakalat ng advisory sa paggamit ng electronics prescription. JOEL O. AMONGO

Related posts

Leave a Comment