EX-SEN. EDDIE ELARDE PUMANAW

0

NAMAYAPA na ang dating senador at TV-host na si Eddie Ilarde sa edad na 85 sa hindi ipinaalam na sakit.

Magdiriwang sana ng kanyang ika-86 kaarawan sa Agosto 25 si ‘Kuya Eddie’, na  ipinanganak noong 1935.

Pinasikat ni Ilarde ang “Dear Kuya Eddie,” isang radio program noong 1980s na tumatalakay sa personal at pampamilyang isyu.

Siya rin ang host ng popular na Kahapon Lamang, Student Canteen at Darigold Jamboree.

Nahalal si Ilarde bilang senador at assemblyman at unang nagsilbi bilang konsehal ng Pasay City noong 1960s.

Sa panayam ng DzBb sa kaanak ng dating mambabatas, hindi binanggit kung anong sakit ang ikinamatay nito pero hindi umano dahil sa COVID-19.  (ESTONG REYES)

Related posts

Leave a Comment