Gahol na sa December deadline LGUs INAAPURA SA PAGBABAKUNA

0

BINIGYANG DIIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pangangailangan na pataasin at paigtingin ang vaccination rate sa iba’t ibang local government units (LGUs) upang makamit ang target na i-fully vaccinate ang 50 milyong Filipino para makamit ang population protection sa Disyembre ngayong taon.

“We cannot reach this target if we will plateau at 400 or 500,000 daily jabs,” ayon sa pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.
Aniya, ang non-stop vaccination program sa local levels ay makapag-aambag para mapabilis ang COVID-19 vaccination program sa buong bansa.

Sinabi pa ng pangulo, na kailangang paigtingin ang vaccination program sa mga pinakamalayong komunidad.

Ang mga bakunang ipadadala sa mga pinakamalalayong lugar ay kailangan na hindi agad mapapaso’ o ma-expire at malayo at ligtas mula sa kontaminasyon.

“I urged LGUs to come up with a more systematic and efficient way of finding out of who among your constituents have not yet been vaccinated. Please do everything to convince them to get vaccinated,” panghihikayat ng pangulo. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment