GOBYERNO KINALAMPAG SA MAHAL NA PRESYO NG PAGKAIN

0

DAPAT pangunahin sa susunod na pulong ng Gabinete na lumikha ng plano kung paano paamuin ang tila rumaragasang presyo ng pagkain kaya hindi makayanan ng pangkaraniwang pamilya na naghirap sanhi ng paghina ng ekonomiya dulot ng pandemya.

Ito ang inihayag ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto.

Ayon kay Recto, naghahanap ng kasagutan ang mamamayan na lubha nang nahihirapan kung paano kakain, kung kailan matatapos ang “food price shocks” na nararanasan ng bansa.

“I think this should be on the top of the agenda in the next Cabinet meeting,” ayon kay Recto.

Sinabi ni Recto na pansamantala, dapat ibahagi ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) ang kanilang plano upang maibaba ang halaga ng isda, gulay at karne.

“The government’s own daily monitoring of prices of “agri-fishery commodities” in several markets in Metro Manila showed an alarming upswing tick,” ani Recto.

Base sa Philippine Statistic Authority na noong Nobyembre 23, tumaas ng 194 porsiyento ang halaga ng ampalaya kumpara sa nakaraang buwan; at 200 porsiyento sa sili. Dumoble naman ang halaga ng repolyo at sayote sa loob ng 30 araw.

Taun-taon, tumataas ng 167 porsiyento ang presyo ng pechay; 133 porsiyento sa kamatis at 108 porsiyento sa red onion.

“Kung ang ampalaya ay P235 kada kilo at ang pechay ay P160, paano pa ito mabibili ng isang minimum wage worker?” ayon kay Recto.

Base sa umiiral na batas sa sahod kada araw na P537 sa National Capital Region, ang isang manggagawa ay kailangan magtrabaho ng kalahating araw upang makabili ng isang kilong ampalaya, ayon pa sa mambabatas.

“That worker will also have to work half a day to buy a kilo of galunggong, monitored by the PSA as being retailed at P250 per kilo during the week ending November 23,” giit ni Recto.

Tumaas din aniya sa halagang P300 ang presyo ng kasim kada kilo.

“Lahat ng gulay sa kantang ‘Bahay Kubo’ nagtaasan. Ang galunggong, ginto na ang presyo. And these are market prices. In retail outlets, prices are higher. At tiyak sasabihin ng mga tao na mas mataas ang bili nila kaysa sa kung ano ang naiulat ng pamahalaan,” ani Recto.

Sinabi pa ni Recto na inilalaan ng pamilyang Pilipino ang 43 ng kita sa pagkain; pero mas malaki sa nasa laylayan ng lipunan na aabot sa 30% o higit sa 7.42 milyong Pilipino, na naglalaan ng halos 59% ng kanilang kita sa pagkain.

“So when food prices jump, they go on a forced diet, the magnitude of which is captured by periodic hunger surveys. Kung hindi bababa ang presyo ng pagkain, tataas ang ating GNP—or Gutom na Pilipino—rate,” aniya. (ESTONG REYES)

Related posts

Leave a Comment