LT. GEN. GAPAY, BAGONG AFP CHIEF OF STAFF

0

APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-upo ni Lt. General Gilbert Gapay bilang bagong AFP Chief of Staff.

Sa liham ng Pangulo kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na may petsang Hulyo 28, nakasaad dito na batay sa letter-endorsement at alinsunod sa rekomendasyon ng AFP Chief of staff at chairman ng AFP Board of Generals at alinsunod sa Republic Act 8186 ay inaprubahan nito ang pag-upo ni Gapay bilang bagong AFP Chief of staff.

Pinalitan ni Gapay si Gen. Felimon T. Santos Jr.

Epektibo sa Agosto 3 ang nasabing bagong posisyon ni Gapay. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment