MABILIS NA PAG-UNLAD SA NPA-INFESTED VILLAGES TINIYAK NG PALASYO

0

NANANATILING matatag ang pangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bilisan ang development o pagpapaunlad sa mga komunidad na pinamugaran ng New People’s Army (NPA), armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Bilang bahagi ng kanyang pagsisikap sa counter insurgency, nakatakdang bisitahin ni Pangulong Duterte ang Lucena, Quezon para bigyang-diin ang “peace and development initiatives” ng kanyang administrasyon sa Calabarzon.

“President Rodrigo Duterte, who is also chairman of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), shall resume his visits to the different regions to fast-track the development of conflict-affected and geographically-isolated barangays,” ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., nagsisilbi rin bilang NTF-ELCAC vice chairperson.

Ayon sa NTF-ELCAC, may 822 villages o mga nayon ang nalinis na mula sa impluwensiya ng NPA.

Ang nasabing mga lugar ay inaasahan na makatatanggap ng P20 milyon kada isa para pondohan ang kanilang anti-insurgency projects.

Tinatayang 72 proyekto naman sa ilalim ng NTF-ELCAC’s Barangay Development Program (BDP) ang nakatakdang ipatupad sa 32 insurgency-cleared villages sa Calabarzon. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment