MALAKANYANG NAKA-MONITOR SA PAGHAGUPIT NG BAGYONG BISING

24/7 na mino-monitor ng Malakanyang ang Bagyong Bising lalo pa’t napanatili nito ang lakas at galaw sa Philippine Sea east of Sorsogon, ayon sa PAGASA.

Nagsagawa ang Office of Civil Defense ng pre-disaster risk assessments sa national level at nagpalabas ng guidance at advisories para sa maagang paghahanda ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils (RDRRMCs) at local government units (LGUs) simula pa noong Miyerkoles, Abril 14, 2021.

Ang Department of Social Welfare and Development ay mayroong Standby Funds na P556, 438,277.65 sa kanilang Central Office and Field Offices at Stockpiles na umaabot sa 370,058 Family Food Packs na nagkakahalaga ng P188,605,445.38, “as of April 17, 2021, 6PM.”

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, tinitiyak ng Department of Health na mayroon silang dedicated teams na titingin sa epekto ng kahit na anong disaster o sakuna lalo na sa pagmo-monitor ng mga evacuation center na may kaugnayan sa COVID-19 protocol.

Naghanda na rin aniya ito ng assorted medicines/COVID supplies sa regional offices.

Inihanda naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng response assistance at inatasan ang lahat ng Unified Commands na tulungan ang RDRRMC sa pre-emptive evacuation at iba pang operasyon.

Sa kabilang dako, pinagana naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 9 na rehiyon, muling inulit ang paggamit ng OPLAN LISTO at LGU assistance para tugunan ang operasyon.

“Pre-emptive evacuation has been carried out in Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Northern and Eastern Samar, according to the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),” ayon kay Sec. Roque.

Giit ni Sec. Roque na ang concern ng pamahalaan ay kaligtasan ng lahat.

Kaya ang hiling ng Malakanyang sa publiko ay manatiling alerto at bigilante, makipag-ugnayan sa mga awtoridad at ipagpatuloy ang pag-obserba sa minimum public health standards para sa proteksyon laban sa COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

172

Related posts

Leave a Comment