Manila tourist attractions BUKAS NA SA MGA BAKUNADO

0

BINUKSAN na muli sa publiko ang ilang atraksyon sa Metro Manila kabilang ang Manila Ocean Park sa Ermita, Manila.

Pinangunahan ni Manila City Vice Mayor Honey Lacuna ang pagbubukas ng pasyalan na nagtatampok sa daan-daang uri ng isda.

“Matapos ang pansamantalang pagsasara dahil sa pandemya, umaasa kami na ang mga negosyo tulad ninyo ay makakabalik na sa dating sigla,” ayon kay Lacuna.

Umaasa rin si Lacuna na ang pagbubukas ng tourist destinations sa siyudad ay lilikha ng mga trabaho para sa Manilenyo at magiging daan para makarekober ang ekonomiya.

Bukas ang Manila Ocean Park mula Huwebes hanggang Linggo – alas-10 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Nagpaalala naman ang pamunuan nito na tanging mga bakunado na edad 18-65 ang papayagang makapasok. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment