Napag-iwanan sa bakuna COVID CASES TUMAAS SA NEGROS ISLAND

0

HINDI prayoridad ng gobyerno ang Negros Island noong mga nakalipas na buwan pagdating sa pagbabakuna.

Ito ang dahilan, ayon kay IATF Chief implementer for Visayas Gen. Melquiades Feliciano kung bakit 90% ng mga nahahawa ng COVID-19 sa lugar na ito ay pawang unvaccinated.

Ani Feliciano, sa Laging Handa public briefing, dahil din dito kaya’t madalas nagkukulang ng COVID-19 vaccines ang mga lokal na pamahalaan sa nasabing isla na sinabayan pa ng pagdadalawang-isip ng mga tagaroon.

Subalit, ngayong bulto-bulto na aniya ang pagdating ng bakuna, naniniwala si Feliciano na mabibigyan na ng sapat na bakuna ang bawat LGU sa Visayas region. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment